Thursday, March 30, 2017

sanaysay

°Ayon Kay Alejandro Abadilla ano ang kahulugan ng salitang "sanaysay"? -Ayon Kay Alejandro Abadilla, "nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Ang sanaysay at nagmula sa 2 salita, ang sanay at pagsasalaysay, ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa ng manunulat hinggil sa isang mahalaga at napapanahong paksa o isyu. °Bakit maituturing na sanaysay ang talambuhay? -Maituturing na sanaysay ang talambuhay sapagkat ang talambuhay ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Bagaman maaaring iugnay ang nilalaman nito sa mga pangyayaring humubog sa kasaysayan ng mga lahi o lipunan, nahahangganan ang sakop nito ng kapanganakan at kamatayan ng paksa nito. Ito ay dahil ang pangunahing tuon ng talambuhay ay ang paksa nitong tao, na siyang higit na binibigyang-pansin kaysa iba pang mga bagay. °Anu-ano ang naging tunguhin ng sanaysay sa kasaysayan ng panitikang Filipino? Paano ito naging daluyan ng ideolohiya? -Naging malaking tulong ang sanaysay sa larangan ng panitikan sapagkat natutulungan nito ang isang indibidwal na ilabas ang kanyang saloobin ukol sa isang paksa. °Bakit nilikha ang sanaysay? -Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may akda. Ito rin ay pagtalakay sa isang paksa sa paraang tuluyan at malayang paraang maglalantad ng kaisipan,kuru-kuro at palagay. °Ano ang naging ambag ng sanaysay bilang anyong pampanitikan? -Malaki ang naging ambag ng sanaysay bilang anyong pampanitikan dahil ito ay naging isang paraan upang magpahayag ang mga tao ng kanilang karanasan sa isang bagay. °Anu-ano ang mga lumitaw na isyu ukol sa pagsasalaysay sa Pilipinas? °Ano ang pagkakaiba ng Pormal at Informal na sanaysay? -Ang pormal ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraan maayos bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan. Kung minsa'y tinatawag itong impersonal o syemtipiko. Impormal tinatawag ding pamilyar o personal na nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may akda. °Bakit madalas sulatin ang malikhaing sanaysay? -Madalas sulatin ang malikhaing sanaysay,sapagkat mas banana pang him what ito ng tao upang basahin ang iyong paksa. Gumagamit ito ng iba't-ibang paraan upang mahikayat sa mga mambabasa. °Anu-ano ang katangian ng malikhaing sanaysay? -Tulad ng tubig na naisasalin at binibigyang hugis ng kaniyang kinalalagyan,maluwag at umaangkop (flexible) ang malikhaing sanaysay. °Bakit itinuturing na malikhaing sanaysay ang Blog\Blogging? -Maituturing na malikhaing sanaysay ang blog, dahil sa paggawa ng blog dito mo mailalabas ang iyong damdamin. Ang blog ay isang website na kung saan ay pwede kang maglagay ng iyong mga sariling karanasang at mga kuru-kuro, dito mo mailalahad ng mga bagay tungkol sa iyong buhay at damdamin.


No comments:

Post a Comment