Thursday, March 30, 2017

                                                               "Sampaguita"                                                                                                                                           by M. V. JALBUENA 

                    Nakakasunog sa balat ang tanghaling iyon. Hawan ang daan papuntang simbahan dahil sa mabibilang lang ang mga taong nagdaraan. Karamihan sa kanila ay araw-araw sa simbahan. Habang ako'y naglalakad upang pumasok sa simbahan, may isang batang babae ang lumapit sa akin at nag-alok ng tinda n'yang sampaguita't kandila. 

                     Agad akong umiling sa pagpapahiwatig na hindi ako bibili. Hindi agad umalis ang bata kaya't tinanong ko ito kung 'asan ang nanay n'ya; tinitigan n'ya lang ako at nakiradam. Lumipas ang ilang segundo at may isa pang batang babae ang lumapit sa among kinaroroonan. Tulad ng batang nauna ay inalok rin ako nito na bumili ng sampaguita at kandila na tinitinda nito. 

                     Agad kong tinanong ang nakakatandang bata kung magkapatid sila ng naunang batang nangalok sa akinng sampaguita at tumango naman ito at nagsalita ng "oo". Ang batang nakakatandang ito ay si Jemma Rose, labing apat na taong gulang at laman ng simbahan sa araw-araw ng kanyang buhay, liban na lang pay wala itong pasok. Habang kami'y nakaupo sa harap ng simbahan ay tinanong ko ito kung 'asan ang mga magulang nila at sumagot naman ito "nasa bayan ang mga magulang namin, nasa palengke". Ang magulang nila ay mangangalakal, isang hanapbuhay na marangal ngunit walang kasiguraduhan kung may kikitaing pera, dahil sa dami ng mga taong may parehong hanapbuhay. 

                     Si Emerald ang kasama n'ya ng araw na iyon kapwa sila nagbebenta ng sampaguita't kandila. Si Emerald ay walong taong gulang, sumunod siya kay Jemma Rose, at may dalawa pa silang nakababatamg kapatid na kasama ng kanilang mga magulang sa pangangalakal. Nagagalak ang aking puso dahil sa kanilang murang edad ay marunong na silang tumulong sa kanilang ga magulang. Kapwa sila nag-aaral. Si Jemma Rose ang panganay na nasa walonh baitang na sa High School at so Emerald man na nasa ikalawang baitang sa Elementarya, at ang kanilang pangatlong kapatid ay nasa ikaunang baitang.

                    "Pangarap ko pong maging stewardess balang araw", yan ang sagot n'ya nang tinanong ko kung ano ang kanyang pangarap. "Paano kung wala ng perang pampaaral sa 'yo? balik na tanong ko sa kanya. "Hindi na po ako manghihinge ng pera kila mama, may ipon naman po ako e", simpleng sagot ng isang batang may pangarap sa buhay. Isang bata na nagbabanat na ng katawan sa kaniyang murang edad. Pag-aangkat ng sampaguita ang kanyang diskarte sa buhay sa sampong piraso ng sampaguita. Bawat piraso ay binebenta sa halagang sampung piso, at sa sampung 'yun ,epag naibinta n'ya lahat ay may kikitain s'yang isandaang piso. 

                     Ngunit kalahati lang ang mapupunta sa kanya dahil kalahati nu'n ay mapupunta sa pinag-aangkatan n'ya ng sampaguita. Ang kandila naman na kanyang ibinebenta ay sarili n'ya ang kita. Sa kanyang paghahanapbuhay ay nag-aabot rin ito ng pera sa kanyang mga magulang. Masasabi nating ang batang si Jemma Rose ay hindi mapagdamot sa kung ano ang mayroon siya. Tinanong ko itong muli kung sapilitan ba ang kanyang pagtatrabaho? Sumagot ito nang mabalis na "hindi po, gusto ko po kasing tumulong sa aking mga magulang at para magkaroon rin po ako ng sariling pera".

                     Sa kanilang pag-uwi ay inaabot sila ng alas syete ng gabi, minsan susunduin ng kanilang magulang gamit ang kariton ng pangangalakal. Barangay Talao-Talao ang anilang lugar, 'di 'yun lingid sa aking kaalaman na ito'y napakalayo upang lakarin. Ngunit, dahil sa kanyang pagtitiyaga at pagtitipid ay kinakaya n'ya ang lahat ng mga ito. 

                    Si Jemma Rose at ang kanyang kapatid na gumigising ng maagap upang may kitain sa sampaguitang tinda nila. Pupunta ng alas said ng umaga at uuwi ng alas syete ng gabi na dapat ay hindi dapat ginagawa ng mga batang ito. Panganib ang hinaharap sa araw-araw dahil malaki ang posibilidad na maaari silang holdapin o maagawan ng kita, at wala silang kalaban-laban 'pag nangyari ito.

No comments:

Post a Comment