Thursday, March 30, 2017

                Ako si Maryl Jalbuena labing siyan na taong gulang, na nagmula sa bayan ng Lucena 5'3 ang tangkad at 47 kilos ang bigat. Ayon sa mga taong aking nakakasalamuha cute daw ako at may ilang nagsasabing maganda rin, ngunit di ako ang mapaniwalang Tao. Kaya't bawat sinasabi nilang positive pagtungkol sa aking physical na pagkatao ay hindi ako naniniwala. Ako ang taong di naniniwala na maganda ako o cute, dahil alam ko sa aking sarili na hindi ako maganda. Kilos-lalaki, 'yan ako,siga maglakad na para bang walang kasalubong.                          
     
                 Marami kong paboritong sports na gusto, ito ay ang mga Billiards, Softball at Badminton. Sa paglalaro ng billiard, idolo ko ang aking pumanaw na mahal na lolo, dahil s'ya ang dahilan kung bakit ako marunong maglaro ng billiard. Ang softball naman, player talaga ako. Naging isa rin along captain sa larong ito, "heavy batter" 'yan ang bansag sa akin sa larong softball, peroang totoo hindi ako kagalinga. Ang badminton naman, para sa akin, ay pampalipas ng oras at inip sa buhay. Pag kalusugan man ang pag-uusapan mahina ako dahil sa namana kong sakit na Asthma sa side ng aking papa. Nagsimula ito ng ako'y nasa ika-siyam na baitang. 

                  Pero kahit na mahina ang aking baga, nakakasabay pa rin naman ako sa mga activities na kinakailangan ng malusog na pangangatawan. Sa ngayon madalas akong sumpungin ng asthma. Mabuti na lamang may nebulizer ako, para 'pag sinumpong makakapagpausok. Bawal ako masyado mapagod at tumawa ng tumawa dahil siguradong aasthmahin ako. Pero hindi ko talaga minsan mapigilan ang tumawa hang tumawa dahil mga kalog ang mga kaklase ko. Bukod sa asthma, wala naman akong ibamg sakit. Wala rin naman akong serious physical injury. 

                  Ipag bisyo naman hindi ako umiinom ng mga alak o kahit na anong inumin na may halong alcohol, dahil baka pag nalasing ako at sumabay ang asthma, baka mapano pa ako. Hindi rin ako gumagamit ng illegal na droga dahil bukod sa alam kong hindi ito nakakabuti, sayang lang ang perang pambili ng droga. Masisira ang buhay ko at papahirapan ko lang ang aking mga magulang. Kaya't iniiwasan ko ang mga ito dahil nais ko pang masuklian ang kabutihan ng aking mga magulang. Wala akong physical asset dahil nga para sa 'kin hindi naman mahalaga 'yun. 

                Ayokong magpasikat kung ano man ang mayroon ako. Kuntento na ako sa katauhan ko at wala akong gustong ipabago, basta maging mabuti lang ako sa kapwa ay masaya na ako. Mas gusto kong walang pumupuna sa aking pagkatao, positive man ito o negative. Dahil buhay ko naman 'to at wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Basta huwag lang talagang idadamay ang aking pamilya. Kung kahinaan naman ang pag-uusapan, 'pag sa pisikal ay wala. Dahil para sa akin hindi man kahinaan ang panget ako, ang mahalaga tanggap ako ng ating mga mahal sa buhay. 

                Alam kong hindi ko ito itinutiring na kahinaan ang aking hitsura dahil kuntento na ako kung ano ang bigay sa akin ng Diyos. Ako ang taong 'di kagalingan at katalinuhan sa klase. Pero kaya ko naman ang mga activities na pinapagawa ng mga guro sa amin. Hindi pa naman ako bumabagsak sa kahit ano mang subjek, kahit na nakakatikim rin ng line of seven. Malawak na malawak ang aking mga imahinasyon kung anu-ano ang naiisip kahit na napaka-imposibleng mangyari. Ayon nga Kay Albert Einstein "Knowledge is limited but imagination encircles the World ".

                Tulad ko madalas isipin na sana may time machine, upang mapigilan ang mga masasamang nangyayari sa kapaligiran. Tinitingnan ko ang buhay bilang positibo dahil kapag sumalungat ako dito hindi lo na makakamit ang mga ninanais ko sa aking buhay. Minsan kailangan din nating isipin na mas maswerte tayo kesa sa iba kaya't 'pag nawawalan na ako ng pag-asa sa mga pagsubok na dumarating sa aking buhay, iniisip ko na lang na mas maswerte ako sa iba. Pero minsan ibinababa ko ang aking sarili, dahil alam kong mas nakakaunawa ako kesa sa iba.
      
                 Kapag may problema ako mas pinipili ko na lang ang manahimik o magmukmok sa hindi maingay na paligid, o kaya itinutulog ko na lang para makalimutan ko nang panandalian. O kaya makipag-laro sa mga kaibigan ko ng kahit anong makakapagpasaya sa akin. Kung 'yung iba nabiyayaan ng sobrang talento sa pagkanta at pagsayaw. Yan naman ang kinapos ako,wala talaga,walang wala. Sa ngayon ang tagumpay na aking nakamit ay ang wala pa akong asawa at anak sa edad na 19. 

                At ang kabiguan man ay ang palayain ang babaeng aking minamahal, upang siya'y maging masaya. Pero okay lang dahil alam ko may mas magandang plano ang Panginoon para sa akin. Pangarap kong maging isang pulis balang araw. Sana matupad ko pa ito. Bata pa lang ako, alam ko na ang gusto ko sa aking pagtanda, at 'yun ay ang maging isang ganap na pulis balang araw. Naalala ko pa noon, naiinggit ako sa mga kalaro naming may laruang baril, 'yung parang totoo talaga. 

                Nang oras na iyon wal talaga kaming pera para pambili sa kung anong laruang gusto namin. Kaya't gumagawa ako ng paraan para magkaroon ng laruang baril. Gumagawa ako ng kahoy na baril-barilan at nakukuntento na lang sa kahoy na iyon. Ang mahalin nya rin ako at maappreciate lahat mg effort ko, 'yan ang aking mga iniisip na kahibangan. Umaasa ako na sana nga totoo na lang lahat ng kahibangang ito. Natatakot akong iwan ng mga mahal sa buhay. At higit sa lahat ay ang Clown o payaso sa Tagalog. 

               Ayoko talaga dahil natatakot ako sa mga ito. Ang bagay na nagpapagalit sa akin ay ang pagtaguan ng gamit o pag-tripan ng mga taong walang magawa sa buhay. At ang isa pa ay ang saktan ang aking mahal sa buhay, dahil baka sa sobrang galit ko ay makasakit ako ng pisikal. Isa pa rito ay ang saktan ng ibang tao ang mga alaga naming mga ask, dahil mahal namin ang mga ito at ayokong may mamamato sa mga ito. Sana lahat ng tao pantay-pantay; lahat ng may buhay ay iginagalang. 

              Pamilya, kaibigan, mga materyal na bagay, at ang mga mapanirang tao sa paligid ko, 'yan ang tatlong bagay na hindi ko pinapahalagahan dahil nasasayang lang ang buhay ko sa mga 'yan. At pag materyal naman, hindi kami mayaman kaya't hindi naman ako sanay na may mga bagong materyal o maraming mga bagay-bagay.

               Sa ngayon, nakatira kami sa Brgy.Iyang Dupay. Patira lang kami ng aming tiyuhin na nasa ibamg bansa. Kung may darating man sa amin na magandang balita, gusto ko na sabihin na 'Congratulations, Milyonaryo na kayo. Dahil gusto kong maiahon sa hirap ang aking pamilya. Sa bahay kami ng tiyo namin nakatira dahil kami ang nagbabantay ng lupa into. Halos animal na taon na kaming naninirahan soon. Maliit lang ang bahay at malalayo ang aming kapitbahay, dahil sa malawak ang lupang pagitan.

                       Halos tahimik ang aming kapaligiran dahil sa layo ng kapitbahay. Dahil sa libre ang patira sa am in sa bahay, bukod sa pera, mas gusto ko ang pagkain. Dahil nakaka-inip sa amin kaya mas maganda at masaya pag mating pagkain. Dahil sa nag-asawa na ang ate ko nadagdagan na ang aming pamilya. May brother-in-law na ako at nakatira ito sa amin. May 4 na aso kami at may kakaunting alagang manok. Sa bahay, kahit walang pera, masaya naman dahil sa mga kwentuhang puro kalokohan. Nagbibenta kami ng niyog 'pag wala na talaga kaming pera. 

                       Pagkatapos nu'n nagiging okay na din, may pang-ulam na at bigas. Makalat ang bahay namin dahil kulang ang space, may taas ang bahay pero di namin magamit dahil sira na, magigiba na nga e. Comfort room jan lang ako may privacy dahil wala kaming kwarto sa bahay. Balang araw gusto kong magkaroon ng sariling bahay para sa aking mama at papa. Sakahan para sa kabuhayan namin at para makatulong ako sa aking kapwa. Ganun din ang sasakyan dahil tricycle driver ang aking papa. Gusto ko magkaroon siya ng sasakyan na hindi utang. Napaka-memorable nang magbabagong taon sa aming pamilya dahil may nagpaagaw ng pera. Nagpalaro ng Cream-O tawanan nang tawanan.

                         Masaya lang dahil nakasama ko ang aking mga mahal sa buhay. Nag-aaway din sina mama at papa, kapag nag-aaway sila palaging sinusuyo ni mama si papa. Si papa naman may isang beses na naitulak ni papa si mama sa sobrang galit. Naiinis ako pag ganu'n ang nangyayari, gusto ko silang sagutin na matatanda na sila, pati kami nadaday sa away nila. December 21, 2015 nang mamatay si lolo napaka-lungkot ng mga araw na ito. Biglaan at hindi namin inaasahan, dahil alam naming walang sakit si lolo. Nagpasko kami sa burol ni lolo. Di namin alam kung paano ipagdiriwang ang araw ng pasko ng panahong iyon. Habang naghujugas ako ng pinggan, ay naihulog ko ang baso ni lola. Hindi ko yun ipinaalam sa kanya dahil tiyak papagalitan ako nito.

                          Hanggang ngayon di ko sinasabi sa kanya dahil alam ko na ang sasabihin niya na:'and bibigat talaga ng mga kamay n'yo, inuubos n'yo ang mga gamit. Kayo talaga!!! Masaya ako sa bahay, dahil kumpleto kami, lalo na 'pag wala kaming pasok. Puro kalokohan ang pinag-uusapan, minsan gagawa pa ng kabalbalan, makikilitian, hahawakan ang paa ni mama tapos pagtutulungan na kilitiin hanggang sa magalit. Manonood ng mga funny videos at hahagalpak ng tawa na para bang walang mga problema.

                          Lumaki ako sa masayang pamilya, kahit hindi kami mayaman masaya naman kami dahil may buo kaming pamilya. Sa aking pagkabata sila ate at bebe ang aking palaging kasama. Nag-aaway minsan pero masaya pag magkakasama. Si papa ay isang tricycle driver; kumikita s'ya ng sakto lang sa aming pang-araw araw. Minsan, kulang ang kita niya kaya minsan wala kaming pambaon ng aking kapatid. Nagkaka-edad na ang aking papa, kaya't hunihina na rin ang kanyag kalusugan. Si mama naman ay ganun din, humihina na rin ang kanyang kalusugan dala ng pagtatrabaho ng kung anu-ano. Masakit, masaya, nakakaiyak, maswerte, nakakainis. 

                          Masakit dahil kapag naglalaro kami, madalas akong masugatan. Masaya dahil andami naming kalokohan magkakaibigan. Magkakasuntukan 'pag nag-aaway away. Maswerte dahil dito ko unang natutinan ang paggamit ng bisikleta at sumungaba habang nag-aaral. Nakakainis dahil sa mga kalaro kong madadaya sa teks at pagkayan-kayanan ka, kawawa ka talaga. Ang aking mama ang lubos na naka impluwensya sa akin, dahil si mama, kaya n'ya lahat. Ultimo gawaing panlalaki kaya niya. Pagtatapas ng niyog, pag-akyat sa puno, at marami pang iba. 

                          Si mama, gagawin niya ang lahat para sa mga mahal niya sa buhay. Simula pagkabata at pagtingtong sa paaralan, hindi ako nakapasok sa pribadong paaralan. Ngayong G-12 na lang ako nakatungtong sa sinasabi nilang Private School. Dahil nga kapos kami sa pinansyal na aspeto, kaya't sa publikong paaralan kami pumapasok. Isa pang taong malaki ang naging impluwensya sa akin ay si Ms. J. K. Siya ay isa sa mga naging maimpluwensyang tao sa akin. Siya ang isa sa aking naging guro noong ako'y nasa Grade school. Bukod sa magaling at maeffort sa pagtuturo, siya rin ang nagpapaaral sa kanyang mga pamangkin at mga kapatid. 

                         Ikaw, ikaw, ikaw. My first love is my bestfriend; masaya na mahirap dahil kaibigan ko siya at mahal na mahal nang higit sa kaibigan. Si Chabz, teammate ko sa softball naging partner sa mga exercises sa training. Palagi ko siyang kasama kahit saan. Una, wala pa akong feelings for her, friendship sa simula hanggang sa kalaunan napamahal kami sa isa't isa. Kasalanan ko kung bakit natapos ang aming pagmahalan. Kasalanan ko ang lahat, dahil napaka-selosa ko, at madalung maumay sa mga paulit-ulit na nangyayari. Hanggang isang araw nagtext ako sa kanya, ng salitang "break na tayo" pero hindi ako seryoso. Sinubukan ko nang oras na 'yan kung magrereply siya naghintay ako hanggang sa makatulog na lamang. Kinaumagahan nagtext siya "cge kung yan ang gusto mo". Ang sabi ko naman: "Hindi, wala lang yun hindi yun totoo. 

                          Naging okay kami ng oras na yan. Pero di ko akalaing yang oras na yan ang magiging simula ng hindi namin pagkakaintindihan. It's my birthdate when we broke up, sakit naman birth date ko pa talaga. Sa ngayon wala akong karelasyon dahil until now Mahal ko pa rin si Chabe, it's already one year and seven months since we broke up, but until now I love her so much. Masaya naman ako kahit single. Dahil kasama ko naman ang aking pamilya. 

No comments:

Post a Comment