Thursday, March 30, 2017

Humanities

           Ang strand na Humanities ay lubos na kasiya-siya, dahil sa strand na ito ay lubos na mahahasa and iyong kakayahan sa pakikisalamuha sa ating kapwa. Maraming kurso ang nakapaloob sa strand na ito na labis mong ikasasaya. Sa iyong pagkokolehiyo ay hindi ka mahihirapan na pumili ng kursong iyong pinasukan no'ng ika'y nasa Senior High pa lamang. Dahil sa strand na Humanities ay nahasa na ang iyong kaalaman. Marami kang makakasalamuhang tao lalo na kung ika'y nasa Humanities, dahil kabilang dito ay ang kursong Psychology, Criminology, Education, o pagiging Guro, Public Ad at Abogasya, na ang layunin ng makatulong sa kapwa. Ang mga kursong nakapaloob sa Humanities ay may layuning makatulong sa mga nangangailangan at maglingkod sa ating bayan. Malabis ito na makipagsalamuha sa iba't ibang tao. Hangarin ng mga istudyante ng Humanities ay ang makatulong at magpasaya sa kapwa. Dito sa kursong ito ay mailalabas mo ang iyong mga talento. Magiging malakas at matibay ang iyong kalooban dahil sa mga itinuturo ng mga guro ng mga Humanities. Mamumulat ang iyong isipan sa mga nangyayari sa ating lipunan. Mamumulat ang isipan ng bawat isa sa kursong ito, dahil dito mo makikita ang totoong nangyayari sa ating bayan. Matututo kang tibayan ang iyong pagka-estudyante dahil sa mga gawaing makakatulong sa iyong hinaharap. Mahirap man ang kursong nakapaloob sa Humanities ngunit makakaya mo ito dahil sa iyong mga karanasan sa buhay. Mapagtatagumpayan mo ang lahat ng ito kung patuloy kang magsisipag at magsisikap. Ihahanda ka ng strand na Humanities sa kursong iyong kukunin sa iyong kolehiyo. Hindi ka na mahihirapan dahil Senior High pa lamang ay angat na ang iyong kaalaman ukol sa mga kurso na nakapaloob rito. Pagtitiyaga ay kinakailangan upang ika'y magtagumpay sa lahat ng iyong nais sa buhay. Dito mo lubos mauunawaan ang papel mo sa buhay. Magsisikap at 'wag susuko, 'yan ang dapat na hindi mo kinakalimutan upang ika'y magtagumpay. Mahirap man ngunit ito'y makakaya mo,tiwala lang sa sarili.

No comments:

Post a Comment