Saturday, February 11, 2017

Dahas ng Inang Kalikasan

Halos manigas ako sa sobrang lamig sa pwesto namin sa sinehan, habang nanunuod kami ng Indie Film na Taklub. Palakpakan naman at may kasamang hiyawan nang lumabas na at pumunta si Direk Brilliante Mendoza. Ang mga istidyante ay binigyan ng pagkakataon upang makapagtanong. Nang paglabas namin ng sinehan ay pinagkaguluhan si Direk ng mga estudyante na gustong makakuha ng litrato kasama sya.
Bago ipalabas any Indie Film na Taklub ay ipinalabas muna ang mga paalaala ng management ng sinehan sa mga manunuod. Unang pagkuha ng kamera sa lugar ng Tacloban, ay talagang nakakapanlumong tinganan ang kapaligiran. Halos wala kang ibang makikita kundi ang mga sira-sirang kabahayan, gusali, at mga sasakyan. Ang nangyari sa Tacloban ay talagang nag-iwan ng bakas ng isang malaking pagsubok sa mga taong nakatira roon.


     Ang indie film na Taklub ay umani rin ng maraming parangal,hindi lamang dito sa ating bansa kundi sa iba't ibang bansa rin.Maging and direktor ng Taklub na si Brilliante Mendoza,ay umani rin ng papuri.Para sa akin,kaya ito ginawa at pinamunuan ni direk Brilliante Mendoza,upang maipakita sa atin na hindi lamang sa pelikula natin makikita ang ating mga iniisip,kundi nararanasan pala talaga ito sa totoong buhay.

     Marami ang nasawing buhay,nawalan ng mga mahal sa buhay,at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakikita ang mga bangkay ng mga ito.Marami sa mga nasalanta ang hindi pa naaabot ng tulong ng Gobyerno,dahil sa mabagal na pamamahala ng mga ito.Marami sa mga pamilya ang nawalan ng mahal sa buhay at nawawalan na ng pag-asa na makikita pa niula ang mga bangkay ng kanilang mga mahal sa buhay.


     Wasak na kabahayan, sasakyan, at posts ng mga kuryente ang tangi mong makikita sa lugar ng Tacloban ng panahong iyon. Maraming binawian ng buhay, ari-arian, at sinubok ng kalamidad na iyon:pagsubok sa kanilang katatagan naranasan iyon ng mga character nila Bibeth, Larry at patuloy na bumabangon para sa mga natirang mga kamag-anak. 

Sa mga dumarating na pagsubok sa aging buhay, huwag hating kakalimutan na may taong patuloy na nagmamahal sa atin. May mga taong nawalan na ng pananalig sa ating Panginoon, at gusto ng kitlin ang kanilang mga buhay, ngunit huwag sana tayong mawawalan ng pag-asa dahil maka-kayanan natin ang lahat basta manalig lang tayo sa kanya sa ating Panginoon. 

Para sa mga hindi pa nakakapanood ng Taklub, sana ay bigyan nila ito ng oras upang malaman nila ang mga karanasan ng mga character dito. Ang Taklub ay kapupulutan ng Aral. Dito mo makikita ang kakayahan at lakas ng pananampalataya ng isang taong pilit bumabangon sa lahat ng masasamang karanasan.

No comments:

Post a Comment